Magkakaroon na ng tatlong lalawigan sa isla ng Palawan.

Ito ay makaraang pirmahan ni Pangulong Duterte ang panukalang batas upang maging ganap na batas na maghahati sa tatlo sa nasabing probinsiya.

Ang naturang mga lalawigan ay kinabibilangan ng

Palawan del Norte, Palawan Oriental, at Palawan del Sur.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang kopya ng Republic Act 11259 na pirmado ng Pangulo nitong Abril 5 ay kahapon lang ipinamahagi sa mga mamamahayag.

Magiging epektibo ang nabanggit na batas matapos ang 15 araw nang pagkalathala nito sa Official Gazette o sa anumang pahayagan.

Sa naturang batas, ang Palawan del Norte ay binubuo ng mga bayan ng Coron, Culion, Busuanga, Linacapan, Taytay at El Nido.

Binubuo naman ng Roxas, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cayancillo, at San Vicente ang Palawan Oriental; habang ang Palawan del Sur ay sumasaklaw naman sa Aborlan, Narra, Quezon, Rizal, Espanola, Brooke's Point, Bataraza, Balacbac at Kalayaan.

Nakasalalay ang pagbuo sa tatlong lalawigan sa magiging resulta ng plebisito sa mga apektadong lugar.

Ang plebisito ay isasagawa sa ikalawang Lunes ng Mayo 2020 habang ang paghahalal ng mga opisyal nito ay idaraos sa national at local elections sa ikalawang Mayo ng 2022.

Pinapayagan ng nasabing batas na ipagpatuloy ng mga kinatawan (kongresista) ang paglilingkod sa kanilang tungkulin sa kani-kanilang nasasakupan hangga’t wala pang naihahalal na kapalit ng mga ito.

“Each of the three new provinces will have a provincial governor, vice governor, sangguniang panlalawigan secretary and members, provincial treasurer, assessor, accountant, budget officer, planning and development coordinator, engineer, health officer, administrator, legal officer, agriculturist, social welfare and development officer, veterinarian, and general services officer,” ayon sa naturang batas.

Nauna nang umani ng batikos ang nasabing panukala nang magpahayag ng pangamba si Senator Risa Hontiveros na kapag iginiit ng China ang kanilang pagsakop sa West Philippine Sea ay madali na lamang nilang magawa ito sa tatlong lalawigan dahil maliit na ang mga ito katulad ng mga local government unit.

Argyll Cyrus B. Geducos