SI Maja Salvador ang Dance Ambassador ng bansa.

Maja Salvador copy

Kumpirmado ito sa post ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA: “Welcome to the NCCA family, our new Dance Ambassador #DanceXchange2019.”

Hindi lang si Maja ang nagpasalamat sa NCCA, pati ang fans ng aktres. Sabi nila, bagay kay Maja ang maging dance ambassador dahil magaling siyang sumayaw.

Musika at Kanta

Tawag sa kaniya, ‘Maui Wowie!’ Darren, natuwa sa pag-viral ng ‘Maui Wowie’ performance

Comment pa ng isa niyang fan, well deserved ni Maja ang pagiging Dance Ambassador. “Thank you @nccaofficial for recognizing her.”

Pero, hindi maiwasang may mga magreklamo rin. Mas marami raw ang deserving kaysa kay Maja, mas marami pa raw ang mas mahusay na dancer kaysa aktres.

Wala nga lang silang magagawa dahil si Maja ang pinili at hindi ang mga favorite nila.

-NITZ MIRALLES