Ilang kalsada sa Makati City ang isasara simula bukas ng umaga hanggang sa gabi ng Easter Sunday.

Batay sa abiso ng pamahalaang lungsod, para sa paggunita sa Semana Santa ay isasara ang ilang kalsada simula 6:00 ng umaga bukas, Linggo ng Palaspas (Abril 14) hanggang 10:00 ng gabi sa Linggo ng Pagkabuhay (Abril 21).

Kabilang sa mga isasara upang bigyang-daan ang pagtatayo ng mga kubol ang Gen. Luna Street (mula P. Burgos Street hanggang Mercado Street), Enriquez Street (Don Pedro-Fermina), San Marcos (Pagulayan-P. Burgos), San Juan, Don Pedro (Gabaldon-Mañalac), Guanzon (P. Burgos-Makati Avenue), San Mateo (D.M. Rivera-P. Gomez), Agno, Doña Epifania (A. Mabini-Agno), Ilaya (A. Mabini-J.P. Rizal), Don Pedro (A. Mabini-Villena), Albert (Villena-Palma);

Isasara rin ang P. Gomez Street (J.P. Rizal-Zamora, buong Hagdang Bato), San Agustin (P. Burgos-P. Gomez), Quintos (Santiago-Singian), Molina (Quintos-Singian), Zenaida (E. Zobel-F. Zobel), Bagong Diwa (M.L. Quezon-Pertierra), Ma. Aurora Ext. (Pertierra-Ma. Aurora), at Osmeña (M.L. Quezon-Bridge Service Road, P. Burgos).

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Dahil sa mga inaasahang prusisyon, pinapayuhan ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa Miyerkules Santo at Biyernes Santo, mula 5:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi.

Ang mga patungong Westside , The Circuit, Manila, mula sa J.P. Rizal Street ay maaaring kumaliwa sa Estrella Street, kakanan sa Rockwell Drive, kanan sa Kalayaan Avenue, kaliwa sa Makati Avenue.

Pagkatapos, kakanan sa Jupiter or Sen. Gil Puyat Avenue, kakanan sa N. Garcia (Reposo) at kakaliwa sa J.P. Rizal Avenue.

Mula naman sa J.P. Rizal, ang mga pampasaherong jeep at maliliit na truck ay maaaring kumaliwa sa Estrella, kanan sa EDSA, kanan sa Sen. Gil Puyat, saka tatawid ng Paseo at Makati Avenue intersections, bago kakanan sa N. Garcia, at kaliwa sa J.P. Rizal Avenue.

Para sa mga patungong Guadalupe, Pateros, EDSA, mula sa

J.P. Rizal ay diretso sa Kalayaan, kakanan sa N. Garcia, kaliwa sa Sen. Gil Puyat, saka tatawid ng Makati Avenue at Paseo intersections, kanan sa EDSA kung patungong Mandaluyong at QC, at Buendia flyover kung papuntang Pasay.

Ang mga patungong Mandaluyong via Makati-Mandaluyong Bridge ay pinadadaan sa Ayala Avenue patungong South Avenue, kanan sa Kalayaan, kaliwa sa Pililia, kanan sa J.P. Rizal, kaliwa sa Makati Avenue at J.P. Rizal Extension patungong Makati-Mandaluyong Bridge.

Ang mga patungong Makati Central Business District, mula Makati-Mandaluyong Bridge ay kakanan sa J.P. Rizal, kaliwa sa Zapote, kaliwa sa Kamagong, at kanan sa Ayala Avenue Extension patawid ng Ayala Avenue/Gil Puyat intersection patungo sa destinasyon.

Jel Santos