ANYTIME ngayong Abril ay maaari nang magsilang si Marian Rivera dahil kabuwanan na niya sa second baby nila ni Dingdong Dantes, kaya naman personal na nakatutok ang aktor sa asawa, at anumang araw ay maaari na itong manganak!

Dingdong, Marian, at Zia copy

Kaya “chill” lang si Dong at halos hindi na umaalis ng bahay, dahil ang gusto niya eh, nasa tabi siya ng asawa sakaling dumating na ang “the day”. Ang gusto niya ay monitored niya personally si Marian mula sa regular check-ups sa OB gyne nito, pagle-labor, until delivery ng kanilang newborn baby boy.

Excited na ang lahat ng fans and supporters nina Dong at Yan sa bunso nila, and curious lahat kung kasing-cute raw kaya ito ng panganay nilang si Zia.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kay bilis ngang lumaki ni Zia, at kitang-kita sa ka-cute-an ng bagets ang magandang genes ng kanyang mga sikat na celebrity parents.

Bago manganak, nakakaaliw ang isang photo posted ni Marian sa kanyang Instagram account noong April 7.

Sa picture, makikitang naka-all black ang mag-anak, game na game ang masaya nilang pose na nakataas ang kanilang t-shirts para makita ang kanilang ang mga tiyan. Sa isa pang photo, makikita rin ang mag-asawa na naka-biker outfit na litaw rin ang tiyan, while si Dong na tipong iki-kiss nito ang misis sa cheeks.

Recently, maraming netizens ang humanga sa photos ni Marian sa Mega Magazine, April issue, na siya ang cover.

Gabi-gabi rin ang pagno-novena ng mag-asawa, praying the Holy Rosary para sa safe delivery ng new baby boy nila. Kasama sa pagdarasal nila ng rosaryo si Zia na nagiging curious kung para saan raw ba ‘yung ginagawa nila sa bahay.

“Sabi ko sa kanya, it’s a prayer, at ine-explain namin ni Marian kung para saan ‘yun. Nakakatuwa dahil ito ‘yung nasa curious stage si Zia. Nandoon ‘yung kagustuhan niya talagang makinig.

“Among other things, gusto naming matuto siya about her religion, at mapalapit sa Diyos at lumaki nang maayos,” sabi ni Dong.

Samantala, sa malls ay nagkalat na ang posters ni Dingdong as proud endorser ng Persian Avenue na ang main product ay beef wrap, pero meron rin silang chicken kebab, pork kebab, etc.

Ayon sa brand owners na magkapatid na Kapampangan na sina Arjay at Paolo Lapid, wala silang ibang nasa isip na kuning endorser kung hindi si Dingdong dahil naniniwala sila sa kakayahan ng aktor na palaguin ang kanilang negosyo.

Sa tanong kung bakit Persian Avenue ang tawag nila sa produkto, sinabi nilang para may “feel” na Arabic ang nasabing pagkain, at alam nilang hilig talaga ng Pilipino ang ganitong panlasa

-MELL T. NAVARRO