Sa unang pagkakataon, itinanghal na Asia’s Got Talent winner ang isang Taiwanese.
Matapos ang 10 linggo ng masusing paghahanap sa Asia, at makaraang masaksihan ang daan-daang paandar mula sa 17 bansa na nag-audition para sa inaasam na one big break, pinili ng viewers ang nimble-fingered magician mula sa Taiwan na si Eric Chien bilang grand winner ng Asia’s Got Talent Season 3.
Dinaig ng kanyang kakaibang slight-of-hand tricks ang iba pang Asia’s Got Talent performers, pinahanga ang milyun-milyon sa Asia, at kalaunan ay kinilalang may pinakamahusay na talent sa kanilang lahat.
“Asia’s Got Talent has really been an important platform that allowed me to showcase my magic to the world. Given the stiff competition, I didn’t see this win coming. It’s a humbling experience. I would like to thank all acts of Season 3 that have come together to show the world the talents we have in Asia,” sabi ni Eric.
“As the first Taiwanese act to come out top, I really hope I’ve made everyone back at home proud and inspired more magicians to come forward.”
Ito ang unang pagkakataon na isang Taiwanese ang nakakuha ng titulo simula nang ilunsad ang Asia’s Got Talent noong 2015.
Matindi ang naging labanan sa Grand Final show noong nakaraang linggo ng siyam na talentadong Grand Finalists – ang hip hop at street dance 16-member crew na Junior Good Vibes mula sa Pilipinas, ang Taiwanese dance crew na Maniac Family, ang mahinhin pero malakas na hijab-clad girl group na NAMA ng Malaysia, ang contemporary acrobatic dance duo na Power Duo ng Pilipinas, ang Pinoy shadow play master na si Shadow Ace, ang mahusay na singer na si Siti Saniyah mula sa Indonesia, ang tinaguriang human calculator na si Yaashwin Sarawanan ng Malaysia, at ang gravity-defying Cyr Wheel performer na si Yang Shih Hao mula sa Taiwan.
Idinaos ang final show ng Asia’s Got Talent Season 3 sa Marina Bay Sands sa Singapore, na tinamoukan ng star-studded performance ng powerhouse judges na sina David Foster, Anggun, at Jay Park.
-Manila Bulletin Entertainment