LAOS na ba ang bilyar sa masang Pinoy?

  NAGBIGAY ng kanilang pananaw sa katayuan ng billiards sina (mula sa kanan) SEA Games campaigner Floriza Andal at world champion Rubilen Amit, habang ibinida ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) VP for Social Responsibility Jimmy Bondoc at women’s awheelchair basketball member Patricia Castro ang sticker ng Lady Warriors sa kanilang pagbisita kahapon sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.


NAGBIGAY ng kanilang pananaw sa katayuan ng billiards sina (mula sa kanan) SEA Games campaigner Floriza Andal at world champion Rubilen Amit, habang ibinida ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) VP for Social Responsibility Jimmy Bondoc at women’s awheelchair basketball member Patricia Castro ang sticker ng Lady Warriors sa kanilang pagbisita kahapon sa TOPS ‘Usapang Sports’ sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Inamin ni world women’s 9-ball champion Rubilen Amit na nawala ang kislap ng bilyar – itinuturing sports na pang-masa –ngunit, nananatili pa rin itong premyadong sports na nakapagbibigay ng karangalan sa bansa.

“Billiards remained a force to reckon with sa international scene. Carlos Biado won the world title in 2017 at muntik na niyang makuha yung back-to-back last year, medyo kinapos lang. Right, now despite the success of Filipino players sa abroad, bumaba talaga yung popularity ng sports,” pahayag ni Amit, tanging Pinay na two-time world champion sa World Pool Association (WPA).

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Tinukoy ni Amit na posibleng dahilan sa pagkawala ng ningning ng billiards, sa kabila ng patuloy na pamamayagpag ng atletang Pinoy, ay ang kakulangan sa grassroots program at local tournaments.

“Hindi naman nawawala young kasikatan nina Bata Reyes, Django Bustamante at iba pang billiards player natin. Medyo, nawala lang yung ingay dahil na rin sa kakulangan sa local tournaments. Medyo, yung mga sponsors sa sports namin, nagpapahinga po yata,” pabirong pahayag ng 30-anyos na pambato ng Mandaue, Cebu.

Bilang panimula upang pasiglahin ang billiards, ipinahayag ni Amit na nag-post siya sa kanyang Facebook page para hikayatin ang kabataan, gayundin ang mga mahihilig sa billiards na sumailalim sa kanyang pagtututo – ng libre.

“Kahit po one-on-one tutorial payag po ako. Libre po ito at walang gagastusin ang nais na matuto ng billiards. Araw-araw po ang training namin at after ng ensayo puwede ko po silang maturuan. Sa ganitong paraan, hopefully, mabalik yung interest ng masa sa sports namin,” sambit ni Amit s akanyang pagbisita kahapon sa ‘Usapang Sports’ ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Kasama niyang bumisita sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement And Gaming Corporation (Pagcor), Community Basketball Association (CBA) at HG Guyabano Tea Leaf ang bagong National billiard team member na si Floriza Andal, gayundin ang mga miyembro ng Pilipinas Lady Warriors – bagong tatag na women’s wheelchair basketball – na binubuo nina coach Vernon Perea, assistant coach Harry Solanoy, manager Nina Castro at players na sina Patricia Castro, Cecilia Naceno, Kimberly Dongayo at Jean De Los Reyes.

Sumabak ang grupo sa International Wheelchair Basketball Federation (IWBF) Women’ s Camp kamakailan sa Suphanburi, Thailand.

“First time kop o sa National Team at pipilitin ko po na manalo sa SEA Games,” pahayag ni Andal, dating miyembro ng snooker squad.

Sasabak si Andal kasama ang beteranong si Irish Ranola sa doubles event, habang katandem ni Amit ang batang kampeon na si Chezka Centeno.

“Hopefully, ma-sweep namin yung tatlong event sa women’s billiards. Masaya kami kung all-Pinoy ang finals,” sambit ni Amit, runner-up kay Ranola sa 2017 SEAG edition sa Malaysia.

-Edwin G. Rollon