Patay ang isang 15-buwang lalaki matapos na madaganan ng malaking kutson habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

BABY

Isinugod pa sa Pasig City General Hospital si Austine Tesorero ngunit hindi na siya umabot nang buhay dahil sa suffocation.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, nangyari ang insidente sa bahay ng pamilya Tesorero sa Mangga 2, Nagpayong, Bgy. Pinagbuhatan nitong Huwebes ng tanghali.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Ayon sa ama ng biktima na si Joey Tesorero, natutulog ang sanggol dakong 12:30 ng tanghali kaya panatag silang iniwan ito sa silid para mananghalian.

Nagulat na lang umano sila nang pagpasok ng misis niya sa silid ay nakitang nabagsakan na pala ng kutson para sa kanilang queen size bed—na nakasandal sa dingding—ang sanggol, na hindi nakahinga.

-Mary Ann Santiago