Isang linggong walang biyahe ang MRT sa Semana Santa—pero chill ka lang, may magpapasakay sa ‘yo.

(MB PHOTO/FEDERICO CRUZ)

(MB PHOTO/FEDERICO CRUZ)

Nasa 140 Point-to-Point (P2P) bus ang bibiyahe sa Semana Santa.

Sa anunsiyo ng Department of Transportation-Metro Rail Transit Line 3 (DOTr-MRT3), nabatid na ide-deploy ang mga P2P bus simula sa Lunes Santo, Abril 15, hanggang sa Miyerkules Santo, Abril 17; at mula Sabado de Gloria, Abril 20, hanggang sa Easter Sunday, Abril 21.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Layunin umano ng deployment ng mga naturang bus na matulungan ang mga pasahero, na maaapektuhan ng taunang Holy Week maintenance shutdown ng MRT.

Nabatid na ang mga nasabing bus ay magsasakay at magbababa sa lahat ng istasyon ng MRT simula 5:00 ng umaga hanggang 9:00 ng gabi.

Tiniyak naman ng DOTr na ang pasahe sa mga P2P bus ay kapareho ng ibinabayad sa MRT.

Matatandaang una nang inihayag ng DOTr-MRT-3 na suspendido ang biyahe ng MRT simula sa Lunes Santo hanggang sa Easter Sunday (Abril 15-21) para sa taunang maintenance shutdown.

-Mary Ann Santiago