Arestado ang isang mayoralty candidate nang sapakin umano nito ang isang abugadong nominee ng LPGMA Party-list sa isang political rally sa Maconacon, Isabela, nitong Huwebes ng umaga.

NANUNTOK

Nasa kustodiya na ng Maconacon Municipal Police ang suspek na si Abdulwali Villanueva, 45, kandidato sa pagka-mayor sa nasabing bayan.

Sugatan naman sa bibig at ilong ang biktimang si Atty. Allan Ty, 45, 2nd nominee ng nasabing party-list, at taga-San Fermin, ng naturang bayan.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Sa ulat ng Isabela Provincial Police Office, ang insidente ay naganap sa loob ng municipal gymnasium sa Bgy. San Fermin kung saan nagsasagawa ng political rally ang PDP-Laban, dakong 10:00 ng umaga.

Sa panayam, sinabi ni Senior Insp. Pelo, hepe ng Mocanacon  Police, biglang pumasok si Villanueva sa loob ng gymnasium at hinamon ng away ang mga katunggali nito sa pulitika.

Nilapitan umano nito ang biktima at biglang sinuntok.

Agad na dinakip ng mga awtoridad ang suspek at nahaharap sa kasong kriminal.

-Liezle Basa Iñigo