Atty. Kim Kardashian-West? Okay ba?

KIM

Nag-aaral ngayon para maging abogado ang reality star na si Kim Kardashian, kasunod ng matagumpay niyang pagtulong sa pagpapalaya sa dalawang babae mula sa piitan.

Sa isang panayam, sinabi ni Kim sa Vogue magazine, na inilathala nitong Miyerkules, na sinimulan na ni Kim ang apat na taong apprenticeship sa isang law firm sa San Francisco, alinsunod sa isang California program para sa mga walang pormal na kuwalipikasyon. Tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo, sinabi ni Kim na target niyang kumuha ng bar exams sa 2022.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Sinabi ng bida ng Keeping Up With the Kardashians na nabuo ang pasya niyang mag-abogado nitong summer matapos siyang magtungo sa White House upang himukin si President Donald Trump na baguhin ang life sentence na ipinataw sa isang 63-anyos na babae sa Tennessee para sa first drug offense.

“I just felt like I wanted to be able to fight for people who have paid their dues to society. I just felt like the system could be so different, and I wanted to fight to fix it, and if I knew more, I could do more,” sinabi ni Kim, 38, sa Vogue.

Nitong Enero, tumulong si Kim upang makakuha ng clemency para sa isa pang babaeng bilanggo sa Tennessee, makaraang mahatulan noong teenager sa pagpatay sa isang lalaking nagbayad para makipagtalik dito.

Kuwento ni Kim, ang unang taon niya sa apprenticeship ay kinabibilangan ng tatlong subject: criminal law, torts, at contracts.

“To me, torts is the most confusing, contracts the most boring, and crime law I can do in my sleep. Took my first test, I got a 100. Super easy for me,” sabi ni Kim sa Vogue. “The reading is what really gets me. It’s so time-consuming. The concepts I grasp in two seconds.”

Bagamat nakilala sa paged-develop ng mga beauty at fashion products at sa pagtatampok ng kanyang araw-araw na buhay kasama ang kanyang mga kapatid sa TV show na Keeping Up With the Kardashians, may laging abogado ang pamilya ni Kim.

Ang yumao niyang ama, si Robert Kardashian, ay isang prominenteng abogado sa Los Angeles, na bahagi ng legal team na kumatawan sa football star na si O.J. Simpson, nang litisin ito noong 1995 at kalaunan ay mapawalang-sala sa murder.

-Reuters