Patay ang isang barangay chairman habang dalawa ang naiulat na nasugatan nang pagbabarilin ang mga ito ng mga hindi nakikilalang lalaki sa loob ng kanyang opisina sa Negros Oriental, nitong Huwebes.

KAPITAN

Kinilala ang nasawi na si Samuel Ragay, ng Barangay San Pedro, Santa Catalina ng nasabing lalawigan.

Sa report ng Negros Orietal Provincial Police Office, pinasok ng mga lalaki si Ragay sa bgy. hall at sunud-sunod itong pinaputukan.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Dead on the spot ang biktima dahil sa mga tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Dalawa naman ang naiulat na nasugatan na kinabibilangan nina

Nenfa Herosa, bgy. treasurer at isang Lorna Vingcoy, matapos silang tamaan ng ligaw na bala.

Masusi pang iniimbestigasyon ng pulisya ang insidente.

-Fer Taboy