Patay ang isang 23-anyos na babae makaraan niyang i-abort ang sariling sanggol sa loob ng isang hotel room sa Sta. Cruz, Maynila, nitong Huwebes ng gabi.

ABORT

Batay sa imbestigasyon, nag-check in sa hotel ang babae bandang 3:15 ng hapon, pero makalipas ang anim na oras ay tumawag ito sa front desk at humingi ng tulong.

Nang mapasugod ang mga kawani ng hotel sa silid ng babae, nagawa pa nitong buksan ang pinto, pero kaagad ding napalupasay sa sahig.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Kaagad na dinala ang babae sa Jose Reyes Memorial Medical Center, pero kalaunan ay binawian din ng buhay.

Ayon sa salaysay ng mga saksi, maraming bakas ng dugo ang kuwartong inokupa ng babae.

Natagpuan din ang isang fetus, nasa anim na buwan, na lumulutang sa inodoro.

Narekober din sa silid ang iba’t ibang gamot na karaniwang ginagamit sa abortion, gaya ng 21 tableta ng methylergometrine, dalawang tableta ng cytotec, anim na capsule ng amoxicillin antibiotic, at anim na tableta ng paracatemol, ayon kay Manila Police District (MPD) Homicide Section chief Capt. Henry Navarro.

Patuloy na iniimbestigahan ang kaso.

-Ria Fernandez