Kasama ka ba sa milyong literal na nagdilim ang paningin?

‘ETO NA, INAAYOS NA Abala sa trabaho ang lineman ng Meralco sa tuktok ng isang poste ng kuryente sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kaninang umaga. (MARK BALMORES)

‘ETO NA, INAAYOS NA Abala sa trabaho ang lineman ng Meralco sa tuktok ng isang poste ng kuryente sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kaninang umaga. (MARK BALMORES)

Milyun-milyon ang nagdusa ngayong Biyernes sa tatlong-oras na rotational brownouts na ipinatupad sa iba’t ibang dako ng Luzon, kabilang ang Metro Manila, na may kabuuang 13 oras, o simula 9:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.

Bandang tanghali, nasa 1.38 milyong customer na ang dumanas ng brownout sa mga lugar pa lang na sineserbisyuhan ng Manila Electric Company (Meralco), bukod pa sa mga customer ng mga electric cooperative na dumanas din ng power interruptions makaraang limang power plant ang nagpatupad din ng puwersahang outage.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagpatawag si Energy Secretary Alfonso G. Cusi ng “emergency meeting” sa mga generation companies (GenCos) at iba pang industry stakeholders nitong Huwebes ng gabi, pero habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa ring announcement sa kung ano ang kinahinatnan ng nasabing pulong.

Bandang 9:00 ng umaga ay sinimulan na ng Meralco ang pagpapatupad ng manual load dropping (MLD) o manaka-nakang brownout sa iba’t ibang lugar—na inaasahang tatagal hanggang 10:00 mamayang gabi.

Sa Metro Manila, apektado ng rotational brownouts ang lahat ng siyudad—na dahil malawakan ay mas masasabing “blackouts”.

Sa labas ng Metro Manila, marami rin ang nawalan ng kuryente sa Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, at Quezon.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, wala talagang available na supply ng kuryente.

Kinumpirma naman ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa advisory nito na ang grid ay “[on] generation deficiency” o kawalan ng supply at may “zero contingency reserve” dahil sa serye ng forced outages ng mga power plants.

Bukod sa 13-oras ng rotational brownout sa Luzon, itinaas din ng NGCP ang yellow alert sa maghapon ngayong Biyernes.

Batay sa datos ng NGCP, nawalan ng 1,502 megawatts ang system dahil sa mga pumalyang power plants.

Ang sitwasyon ng kuryente sa Luzon ay nasa yellow alert simula 8:01 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga; red alert simula 9:01 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi; at yellow alert ng 10:01 ng gabi hanggang 11:00 ng gabi.

-Myrna Velasco at Bella Gamotea