MULING itataguyod ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ang galing ng kababaihan sa ilalarang 18th “Usapang Sports” ngayon sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Nakatakda ang lingguhang sports forum ganap na 10:00 ng umaga.

Inaasahang magbibigay ng kanilang mensahe para sa paghahanda sa nalalapit na international tournament, kabilang na ang 30th Southeast Asian Games sina women’s billiards champion Rubilen Amit, Chezka Centeno, Iris Rañola at Floriza Andal, habang makikibahagi ang women’s wheelchair basketball team na binubuo nina Patricia Camille Castro, Cecille Naceno, Jean Delos Reyes at Kymberlee Dangayo sa two-part sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), NPC, PAGCOR at HG Guyabano Tea Leaf.

Makikiisa rin sa talakayan si national team coach Rodolfo “Boy Samson” Luat, coach Vernon Perea, assistant coach Harry Solanoy at manager Nina Castro ng Pilipinas Lady Warriors, na sumabak sa International Wheelchair Basketball Federation (IWBF) Women’ s Camp sa Suphanburi, Thailand.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Hiniling TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight sa mga miyembro at opisyal, gayundin sa publiko na makibahagi sa forum na mapapanood ng live sa Facebook sa pamamagitan ng Glitter Livestream.