Isang pari sa Spain ang hinatulang makulong nang mahigit 17 taon dahil sa seksuwal na pang-aabuso sa dalawang batang lalaki.
Kinumpirma nitong Miyerkules ng Supreme Court ng Spain ang 17 taon at pitong buwang pagkakakulong na inihatol sa isang pari na nang-abuso sa dalawang batang lalaki, na ang isa sa kanila ay may pahintulot ng sariling magulang.
Pinagtibay ng kataas-taasang hukuman ang nasabing hatol noong Nobyembre 2017 laban kay Jose Donoso Fernandez, dating pari sa timog-kanlurang komunidad ng Mengabril.
Kinumpirma rin ng korte ang apat na taong pagkakakulong na sentensiya sa mga magulang ng isa sa dalawang batang lalaki dahil sa sexual abuse "via omission, as they knew about and consented to the priest's sexual relations with their son."
Ayon sa court documents, pinatira ni Donoso ang mag-asawang Romanian at kanilang mga anak sa bahay ng pari sa simbahan noong 2013 at 2014.
“The family depended almost completely on the defendant Jose Donoso Fernandez, who took care of nearly all their expenses, food, clothes, the stay and schooling, and the bureaucratic paperwork they had to do,” anang korte.
Ang isa pang biktima ay isang 12-anyos na sakristan.
AFP