MABIGAT ang hamon, ngunit kumpiyansa si International Master John Marvin Miciano – sa tulong ng Go For Gold Philippines – sa matikas na kampany sa Eastern Asia Chess Championship simula ngayon sa Ulaanbaatar, Mongolia.

BUO ang tiwala ni Go For Gold founder Jeremy Go (kaliwa) sa talento ni chess protégée John Marvin Miciano.

BUO ang tiwala ni Go For Gold founder Jeremy Go (kaliwa) sa talento ni chess protégée John Marvin Miciano.

Target ng 18-anyos Asian Youth chess champion na makamit ang minimithing GM norm sa Fide-rated tournament upang palakasin ang kampanya na maging susunod na Pinoy chess Grandmaster.

“I need to compete in more international tournaments with highly-rated players and I’m hoping to get my first GM norm here in Mongolia,” pahayag ni Miciano.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kinapos lang nang 0.5 puntos ang pambato ng Davao City sa kanyang unang pagtatangka nang pumuwesto sa ika-12 sa kabuuang 242 kalahok sa 22nd Hogeschool Zeeland Tournament sa Vlissingen, Netherlands.

“When I saw his credentials, I knew he has great potential to become a GM,” pahayag ni Go For Gold godfather Jeremy Go. “He deserves our support.”

Sa ginanap na Open International De Sitges kamakailan sa Spain, pumuwesto si Miciano sa ika-11 sa kabuuang 105 players.

Sa Mongolia meet na isang Fide Zone 3.3 tourney, mapapalaban si Miciano sa matitikas na Asian GM players mula sa Vietnam at Indonesia.

Bukod kay Miciano, suportado rin ng Go For Gold ang kampanya sa international tournament nina skateboarder Margielyn Didal, Philippine dragonboat team mula sa Philippine Canoe-Kayak Dragonboat Federation, cycling hero Rex Luis Krog at reigning Southeast Asian Games men’s triathlon champion Nikko Huelgas.

Itinataguyod din ng Go For Gold ang national athletes mula sa wrestling, sepak takraw, Philippine Air Force volleyball squad at San Juan Knights-Go For Gold sa Maharlika Pilipinas Basketball League