SA ipinatawag na thanksgiving lunch ng mag-iinang Sylvia Sanchez, Ria at Arjo Atayde ay nasukol ang dalaga tungkol sa kanila ng aktor na si JM de Guzman.

ataydes

Kay Arci Muñoz kasi nagsimula ang lahat kaya naging hot item ngayon sina JM at Ria. Ibinuking kasi ng Last Fool Show leading lady na close ang leading man niya sa kapatid ni Arjo sa nakaraang mediacon ng pelikula.

Caught in the act si JM kaya napansin ng mga dumalong entertainment press, online at bloggers na mukhang may maganda silang relasyon ni Ria.

Tsika at Intriga

Solenn Heussaff, nagka-black eye dahil sa head butt ng anak

Kaya sa ginanap na pananghalian ay hindi na nakaligtas ang isa sa cast ng Halik sa kaliwa’t kanang tanong sa kanya ng media kung paano sila naging close na halatang pagod pa dahil kagagaling lang niya ng Hongkong at diretso sa Lazat Restaurant.

Nanood kasi si Ria ng John Mayer concert sa Hongkong.

“Same group of friends po kami at matagal na kaming magkakakilala. Meron kaming small group na we hang out po tropa-tropa,” saad ni Ria.

Tinanong namin kung kailan huling nagkita sina Ria at JM, “kahapon po,” kaswal na sabi ng dalaga.

Binalikan namin ng tanong, ‘kahapon?’ meaning magkasama sila ni JM sa Hongkong?

“Pumunta rin po ako ro’n like nakikigulo lang po ako,” mabilis na sagot ni Ria.

Sinabi rin namin na ibinuking ni Arci na nanliligaw si JM sa kanya. Gulat na gulat ang dalaga, “umamin ba?, tumatawa niyang sagot.

Klinaro ni Ria na hindi lang siya ang nandoon para manood ng John Mayer dahil marami siyang kasamang kaibigan at nandoon din daw sina Zanjoe Marudo. Hindi talaga sila magkasama ni JM at hindi rin sabay umuwi ng Pilipinas.

Natanong ulit ang dalaga kung ano ang tipo niya sa lalaki.

“Based on my history, wala naman akong… as long as click kami emotionally and mentally basta may connection.”

Puwede niya bang magustuhan niya si JM?

“Oo naman. Bakit hindi?, ”mabilis na sabi ni Ria.

Isa sa mga qualities na gusto ni Ria kay JM, “chill na chill, mabait, mapagmahal sa pamilya, marespeto.”

Walang pakialam ang dalaga kung anuman ang pinagdaanan ni JM sa buhay niya lalo na noong nalulong siya sa droga.

“Sa tingin ko naman kasi, he wouldn’t be the person he is now if he didn’t go through all of that. And I think the person he is now is a good person. And that person you know worth give him a chance,”say ni Ria.

Hindi ba’t pinagbawalan siya ng kuya Arjo niya na okay lang siyang magkaroon ng boyfriend huwag lang taga-showbiz.

Nagseryoso si Ria, “si Arjo naman po kasi hindi po siya masyadong strict or masyadong nambabakod, supportive naman siya in general at tanggap naman po niya. Sinasabi lang niya ‘yun.”

Wala ring ideya si Ria kung boto si mommy (Sylvia) niya kay JM dahil hindi sila nagkikita. Araw-araw kasi silang may mga trabaho at higit sa lahat, hindi nila napag-uusapan ang aktor.

Samantala, tatlong linggo na lang ang Halik at may bagong gagawin si Ria sa iWant na produced ng Spring Films.

-REGGEE BONOAN