Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- TNT vs San Miguel

7:00 n.g. -- Ginebra vs Magnolia

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

PATULOY na buhayin ang tsansang maidepensa ang kanilang titulo ang tatangkain ng reigning titlist San Miguel sa rubbermatch kontra TNT Katropa ngayong hapon sa pagtatapos ng 2019 PBA Philippine Cup quarterfinals sa Araneta Coliseum.

Nakapuwersa ng decider sa kanilang best-of-3 quarterfinals series ang Katropa pagkaraang bawian ang Beermen sa Game 2 nitong Lunes, 93- 88. Nagwagi ang Beermen sa Game 1, 78-80.

Inaasahan ni TNT coach Bong Ravena na magtutuluy-tuloy ang ipinakitang laro ng Katropa sa nakaraan nilang panalo kung hindi man nila mahigitan.

“We played harder than the last time. Hopefully, yung intensity at energy namin pareho pa rin or more on Wednesday,” pahayag ni Ravena.

Ngunit, inaasahang babawi ang Beermen sa pamumuno ng reigning 5-time MVP Junemar Fajardo na ilang minuto ding nagpahinga noong Game 2 pagkaraang masiko ni Troy Rosario.

Sa tampok na laban, umaatikabo din ang aksiyon sa do-or-die match ng Barangay Ginebra at Magnolia.

Gaya ng Katropa, nakahirit din ng Game 3 ang Hotshots nang itabla nito ang quarterfinals series nila ng Kings sa pamamagitan ng 106-77 panalo kasunod ng 75-86 na pagkabigo sa Game 1.

Muli, sasandigan ng Hotshots ang liksi at bilis ng kanilang backcourt kontra sa taglay na bentahe sa height ng frontline ng Kings.

-Marivic Awitan