HAWAK na ang record bilang may pinakamaraming Best Player of the Conference award, muli na namang namumuno sa mga kandidato para sa nasabing award si Junemar Fajardo.

Paborito at nangunguna si Fajardo para makamit ang kanyang ika-6 na sunod na BPC award sa PBA Philippine Cup sa kanyang naitalang average na 42.2 statistical points per game.

Nguni,t malapit lamang sa kanya at mahigpit nyang kaagaw sa award sina Calvin Abueva, RR Pogoy at Matthew Wright.

Pinakamalapit niyang katunggali ang dalawang Fuel Masters lalo pa’t pasok na sila sa semifinals habang ang Beermen ay may knockout game pa kontra TNT KaTropa sa quarterfinals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang malalagpasan ng dalawang Fuel Masters ang kasunod sa kasalukuyan ni Fajardo na sina NorthPort teammates Sean Anthony (37.1) at Stanley Pringle (36.0) na pangalawa at pangatlo.

Pang-apat naman hanggang pang-anim sina Abueva (34.9), Pogoy (34.7) at Wright (34.3).

Ang iba pang nasa top ten ay sina Moala Tautuaa (33.3), Ian Sangalang (33.0), Japeth Aguilar (31.9) at Jayson Castro (31.0).

Ang top five na kandidato sa stats race pagkalipas ng semifinals ang mga opisyal na kandidato para sa award.

-Marivic Awitan