MARAMI ang natuwa at nanabik sa Instagram story ni Janella Salvador na “can’t believe I’m gonna be working with the one and only Diamond star” na ang tinutukoy ay si Maricel Soriano. Sa kasamang litrato, kita ang saya nina Janella at Maricel habang sila’y magkayakap.

Janella at Maricel

Si Frasco Mortiz, anak ni director Edgar Mortiz ang direktor ng pelikulang ipoprodyus ng Regal Entertainment. Wala pang announcement kung sino pa ang ibang makakasama nina Janella at Maricel sa pelikulang may titulong The Heiress.

First movie ito ni Janella after ng break-up ng love team nila ni Elmo Magaloma at kasama pa si Maricel, kaya naman pati fans ay nagdidiwang. Kaabang-abang naman kung sino ang makakapareha ni Janella saThe Heiress.
Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita