Target pa rin ng Facebook ang mga nagbibigay ng maling impormasyon, partikular sa mga grupong nagpapakalat ng mga kasinungalingan, at nagdagdag na ng “trust” indicators sa mga news feeds.
Ang nasabing mga hakbangin ni Facebook Vice President of Integrity Guy Rosen ay inilarawang bahagi ng estratehiyang inilunsad tatlong taon na ang nakalipas “[to] remove, reduce and inform” ang mga kuwestiyonableng impormasyong ina-upload sa Facebook.
“This involves removing content that violates our policies, reducing the spread of problematic content that does not violate our policies and informing people with additional information so they can choose what to click, read or share,” sabi ni Rosen.
Kabilang sa mga updates ang pagtukoy sa mga grupong nagpapakalat ng fake news at ang nangangasiwa sa nasabing mga grupo, gayundin ang paghihigpit laban sa mga magpapanggap na iba.
Sinabi pa ng Facebook na parurusahan din nito ang mga inappropriate content ng mga grupo, na nagkakalat ng mga gawa-gawa at mapanirang impormasyon, o nanghihikayat ng mapang-abuso at marahas na mga gawain.
Magdadagdag din ang Facebook ng “group quality” feature na nagbibigay ng overview ng impormasyon na inalerto, tinanggal, o napatunayang mali, ayon kay Rosen.
Simula kahapon, ang mga grupo na paulit-ulit na nagse-share ng mga impormasyon na natukoy nang mali ng mga independent fact-checkers, babawasan ng Facebook ang overall news feed distribution ng nasabing grupo, ayon kay Rosen.
“Over the last two years, we've focused heavily on reducing misinformation on Facebook,” sabi ni Rosen.
Magkakaroon na rin ng “trust” sa mga news feeds, at gagamitin ang “verified badge” nito sa Messenger laban sa mga poser.
“This tool will help people avoid scammers that pretend to be high-profile people by providing a visible indicator of a verified account,” ani Rosen.
AFP