HABANG hindi pa nakakabalik sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Laguna si ER Ejercito ay abala siya sa paggawa ng pelikula kasama ang anak na si Jerico Ejercito at natapos na nila ang SAF44. Kaya panay ang gawa nila ng pelikula ay para ibenta sa Netflix.

Kuwento ni ex-governor ER, “‘Yung anak ko, ginagawa ‘yung ‘Ben Tumbling’ at ‘Pancho Vill’a. Hopefully this year ang playdate ng ‘SAF 44’.”

“Secret pala muna lahat kasi ibebenta ko sa Netflix. May kasunduan kasi kami ng Netflix. Lahat ng pelikula ko, ibinenta ko sa Netflix. Iba na ang panahon ngayon, ang over the top platform, meron tayong Netflix, Iflix, HOOQ.

“So ngayon, nabenta ko na ‘yung apat na pelikula ko sa Netflix, ang Asyong Salonga’, ‘Emilio Aguinaldo’, ‘Boy Golden’ at ‘Muslim 357’. Minimum one million dollars ang isa, pero ang Aguinaldo mas malaki kasi $125M ‘yun, eh.

Tsika at Intriga

Solenn Heussaff, nagka-black eye dahil sa head butt ng anak

“’Yung ‘SAF44’ may deal na kami sa Netflix, ang gusto nila true story controversial tapus susunod ‘dyan ‘yung ginagawa ng anak ko ‘Pancho Villa’ at ‘Ben Tumbling’.”

Ang hinahanap pala ng Netflix para bilhin nila ang isang pelikula ay, “Defy authority, Destroy property and Display nudity. ‘Yun ang 3D’s ng Netflix kasi walang censorship. Over the top platform,”say pa ni ER.

At dahil may partnership sina ER at ang Viva big bosses na si Vic del Rosarioay may share ang huli sa lahat ng kikitain niya sa Netflix.

Samantala, ang pinakadahilan kaya nagpatawag ng presscon ang dating gobernador ay para pabulaanan ang kumalat na balitang disqualified siya sa kandidatura niya sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Laguna , dahil nahatulan siya ng guilty of graft over an anomalous insurance plan noong mayor pa ng Pagsanjan.

Sabi pa, makukulong si ER mula anim hanggang walong taon at hindi pinayagang makabalik sa public office.

Ayon kay ER ay political harassment lang ang lahat mula sa mga loyalista ng dating administrasyon.Sa katunayan ay kumakandidato siya ngayon sa pagka-gobernador sa Laguna dahil hindi naman final at executory ang desisyon ng Sandigan Bayan. Nagbayad din siya ng bail na P30,600.00 at nag-file ng Motion for Reconsideration sa SB.

“Sa nine years na kampanya ko, laging ‘yan ang ikinakaso sa akin, kaya nakakadismaya.

“Kasi dati nu’ng mayor ako, ako nagbabayad, eh. Kapag may nalunod o natamaan ng bato ako nagbabayad kapag may nadisgrasya. So we created a special program. Accident Protection and Assistance Program. Again, this is not an insurance program. Kasi five insurance companies denied our requests because the boat rides are very risky. Kaya kailangan talaga mayroong accident protection program magmula 4AM to 5PM. First boat rides 4:30 ng umaga at 4:30 in the afternoon,”paliwanag ni ER sa ikinaso sa kanya.

Pinananalangin naman na sana ay magkaroon ng hustisya dahil na-dismissed na raw ito ng Ombudsman.

-Reggee Bonoan