Marami ang nagulat nang lumaban ang tatlong Team Lakay athletes sa ONE: A NEW ERA na nakaitim na shorts sa halip na kulay pula kung saan sila nakilala. ANg mga nakasuot nito ay sin Danny “The King” Kingad, Kevin “The Silencer” Belingon, and Eduard “Landslide” Folayang.

Ayon sa Team Lakay head coach na si Mark Sangiao na kinailangan nilang suotin ang mga black shorts dahil sa apparel provider nila, ang Venum, na hindi nagawa ang trademark red shorts nila.

“What happened was we were pressed for time,” paliwanag niya.

“I asked Venum if they can get us the signature red shorts, but it did not come on time. Starting next week with Joshua [Pacio], we’re back to wearing red.”

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Natalo ni Kingad ni Senzo Ikeda at makakaangat sa ONE Flyweight World Grand Prix semi-finals, pero hindi sinuwerte ang iba niyang kasamahan.

Napunta ang ONE Bantamweight World Title ni Belingon kay Bibiano “The Flash” Fernandes dahil sa disqualification at ang ONE Lightweight World Title naman ni Folayang ay nakuha ni Shinya Aoki via first-round submission.

Ang pagkakawala ng apat na ONE World Titles sa loob ng tatlong buwan ay mahirap pero hindi ito ininda ni Sangiao. Naranasan na ng Team Lakay ang ganitong sitwasyon at alam niya na matutulungan niya ang mga atleta niya na makabalik sa tuktok.

“We came from this, we came from nothing,” sabi ni Sangiao.

“Now we have a chance to get a World Title again, and we’ll do everything to get it.”

Para sa 39 anyos na coach, ang pagkakaroon ng mga pagkatalo at pagsubok ay parte ng pagiging isang martial artist. Ang mahalaga ay may natututunan ka sa mga karanasang ito.

Hindi mahalaga kung itim o pula ang suot na shorts ng Team Lakay. Para kay Sangiao, mas importante ang makatayo ulit sa pagkakabagsak ano mang kulay ang suot nila.

“I always tell them after a fight, that we always have to learn something from it. That’s what we always stress — if you can’t win, learn,” sabi niya. “We’ve done it before, why can’t we do it again?”

The road back to the gold begins on Friday, 12 April, when Pacio challenges ONE Strawweight World Champion Yosuke “The Ninja” Saruta for the belt in the co-main event of ONE: ROOTS OF HONOR in Manila.