Nasa 20 sirang sasakyan, na karamihan ay government service vehicle, ang naabo sa pagsiklab ng apoy sa impounding area ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Malate, Maynila, nitong Huwebes.

IMPOUND_ONLINE

Sa ulat ng Manila Police District (MPD), nagsimulang sumiklab ang apoy sa impounding area ng MTPB, na matatagpuan sa tabi ng Harrison Plaza, sa F.B. Harrison Street sa Malate, dakong 3:30 ng madaling araw.

Dahil ang ilan sa mga sasakyan ay may lamang gasolina, mabilis na kumalat ang apoy at kinailangan pa itong gamitan ng kemikal upang maapula.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Inaalam ng awtoridad ang dahilan ng sunog, kabilang ang pahayag ng isang jeepney driver na halos gabi-gabi ay may mga drug suspects na bumabatak sa naturang lugar.

Aabot sa P50,000 ang halaga ng mga naabo.

-Mary Ann Santiago