TUTULAK na ang Muntinlupa Chess Tatluhan Team Tournament 1950 average ratings sa Abril 28 (Linggo) na gaganapin sa Villa Constantino Resort Cupang sa Muntinlupa City.
Ayon kay tournament director Edwin Feolino, ang nasabing rapid chess tatluhan team event format ay may time control 20 minutes plus five seconds delay per move na ipapatupad ang seven round-swiss system sa one-day tournament na punong abala si sportsman Vic Ulanday ng Muntinlupa Chess Club.
"We do this to promote chess in the grass-roots level."sabi ni sportsman Vic Ulanday. "We also believe that by encouraging the youth to actively participate in sports like chess will keep them away from drugs." ani pa Ulanday.
Mismong si dating Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas at vice mayor Celso Dioko ang mangunguna sa opening rites. Nakataya ang P20,000 plus trophy sa magkakampeon na koponan.
Habang nakalaan sa second hanggang eight placers ang cash prizes worth P10,000, P7,000, P5,000, P3,000 at P2,000 habang minimum ng five teams sa category winners para sa Top kiddie (Under 14) chess team, Top high school chess team, Top lady chess team at Top 1900 and below chess team na tatangap naman ng tig P2,000 plus trophies at tig P1,000 naman sa Individual board medallist mula board 1 hanggang 3.
Ito ay pangangasiwaan naman ng Chess Arbiter Union of the Philippines sa pangunguna nina Alexander Dinoy, Alfredo Chay, Miel Bautista, Edwin Caballero at Respy Orellana.
Inaasahan naman ang paglahok ng mga koponan gaya ng Bayanan Ador, Bayanan Mojar, Bayanan Z, Poblacion at Purok I Bayanan Team A, ang top five winners nitong Marso 24.
Sa mga nagnanais na lumahok, makipag-ugnayan sa 09068780131, 09391621871, 09352964683 at 09202184214.