MULING nangibabaw sina Jan Paul Morales at Jermyn Prado sa PRURide PH 2019 Criterium nitong Linggo sa Filinvest, Alabang.

IPINAGKALOOB ng mga opisyal at PRULife ambassadors Kim Atienza at Zoren Legaspi ang certificate at premyo s amga nagwaging riders sa Open division, sa pangunguna ni National rider Jan Paul Morales (gitna) nitong weekend sa PRURide PH sa Filinvest, Alabang.

IPINAGKALOOB ng mga opisyal at PRULife ambassadors Kim Atienza at Zoren Legaspi ang certificate at premyo s amga nagwaging riders sa Open division, sa pangunguna ni National rider Jan Paul Morales (gitna) nitong weekend sa PRURide PH sa Filinvest, Alabang.

Nanguna ang beteranong riders sa libong siklistang nakibahagi sa iba’t ibang kategorya tulad ng fixed gear, mountain bike, at road bike event.

Nakopo nina Morales at Prado ang gold medal sa Criterium Road Bike (RB) Open Male and Female categories sa torneo na naglalayan na isulong ang kalusugan sa mamamayang Pinoy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ni Prado topped ang mmga beterano ring sina Avegail Rombaon at Marella Salamat ng Corratec sa RB Open Female, habang nanaig si Morales sa kasanggang sina Ronald Oranza at George Oconer.

Bumida naman si Ismael Grospe ng Go for Gold sa RB -25 and below kasunod sina Daniel Ven ng Navy- Standard Insurance at Jonel Carcueva ng Go for Gold.

Nakiisa rin sina PRURide PH 2019 ambassadors Gretchen Ho, Kim Atienza, at Zoren Legaspi sa Criterium races. Sumabak sina Legaspi at Atienza sa speed at road bike age group category habang lumaban si Ho sa road bike open female category.

“We are proud of the success of our first run this year. This leg sets the tone of the whole festival and shows what cyclists from across Asia can experience in PRURide PH 2019,” pahayag ni Pru Life UK Senior Vice President and Chief Customer Marketing Officer Allan Tumbaga.

Ang Criterium ay pampaganang event para sa ilalargang PRURide PH 2019’s two legs bago ang PRUride UCI 2.2 Stage Race sa Subic Freeport Zone sa May 24-26 lung saan sasabak ang mga premyadong foreign riders mula sa Uzbekistan, Brunei, Hong Kong, Indonesia, Australia, South Korea, Malaysia, Thailand, Ethiopia, at Philippines— na pawan naghahangad ng UCI points para magamit sa kanilang pagtatangka sa 2020 Tokyo Olympics sa Japan.

Samantala, ang mga naghahangad ng aksiyon ay puwedeng sumali sa PRURide Masters Race at PRURide Gran Fondo 30-, 60-, and 100-kilometer event sa Mayo 26.

Sa mag nagnanais na lumahok magpatala via online sa pruride.ph!