Standings W L
(North)
San Juan 5 1
Bulacan 4 1
Valenzuela 2 1
Caloocan 1 1
San Mateo 2 3
Malabon 2 4
Quezon City 1 3
Novo Ecijano 1 4
(South)
General Trias 5 0
Manila 5 1
Parañaque 3 2
Binangonan 3 2
Pasigueño 2 3
Marikina 1 3
Rizal 0 3
Rizaba 0 5
NAISALBA ng Marikina ang matikas na pakikihamok ng Rizal, 90-86, sa overtime para makapasok sa win column sa South division ng Community Basketball Association (CBA) Founders' Cup basketball tournament nitong weekend sa Ynares Sports Center.

Hataw si Eloie Astraleigh Tan sa naiskor na game-high 30 puntos, tampok ang walo sa extra period, para sandigan ang Sapateros sa morale-boosting victory sa two-division, 16-team tournament na inorganisa ni actor-director Carlo Maceda.
Ang kabayaniha ni Tan ay sapat para makaligtas ang Marikina at makamit ang unang panako matapos ang tatlong sunod na kabiguan.
Nag-ambag si Jun De Guzman ng 18 puntos, limang rebounds at apat na assists, habang kumana si Jat-Ar Ng Sang ng 14 puntos at game-high 19 rebounds para sa Marikina.
Nanatiling bokya ang Rizal sa tatlong laro.
Nanaig din ang Manila kontra Rizaba, 86-75, para manatiling imakulada sa anim na laro.
Iskor:
(Unang Laro)
Marikina (90) - Tan 30, De Guzman 18, Ng Sang 14, Limin 8, Girado 8, Ramos 7, Santos 3, Fortuno 1, Penaflorida 1
Rizal (86) - Santos 22, Ilac 20, Mag-isa 7, Brojan 4, Vitto 4, Luca 3, Villoria 0, Bultron 0.
Quarterscores: 25-18, 41-37, 62-59, 79-79, 90-86
(Ikalawang Laro)
Manila (86) - Yu 16, Tubera 15, Canelas 14, Acibar 13, Orquina 8, Escosio 8, Martinez 6, Marangan 3, Nitafan 3, Aspiras 0, Ballon 0
Rizaba (75) - Se 18, Lodia 17, Villanueva 12, Ponciano 10, Danao 6, Barrera 6, Penalba 4, Advincula 1, Indino 1, Tungala 0, Pelipe 0
Quarterscores: 22-10, 46-29, 62-52, 86-75