PUNO ang SM Megamall Cinema 7 kung saan ginanap ang premiere night ng pelikulang Stranded nina Jessy Mendiola at Arjo Atayde nitong Lunes nang gabi, kaya masaya ang dalawang bida, at higit sa lahat ay suportado sila ng kani-kanilang mahal sa buhay.

Naroon ang mommy ni Jessy at ang boyfriend niyang si Luis Manzano.

Buong Atayde family naman ang sumuporta kay Arjo, minus his rumored girlfriend, Maine Mendoza, dahil may trabaho raw.

Pagdating namin sa venue ay may mga nagtanong sa aming katoto, TV crew at bloggers kung darating si Maine, dahil nakita raw nila ang pangalan ng dalaga na may reserved seat.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Napakunot-noo kami dahil hindi pa naman nila inaamin sa publiko na sila na. Pero kung dumating si Maine ay hudyat ‘yun na officially on na sila ni Arjo.

Anyway, simple ang istorya ng pelikulang Stranded, na literal na na-stranded sila sa malaking building, dahil sa bagyong ‘Ligaya’. At para hindi mainip sa gabing magdamag ay kung anu-ano ang napagkuwentuhan nila, kasama na ang mga personal nilang buhay, at nalaman ni Spencer (Arjo) ang bucket list ni Julia (Jessy).

Nalaman ng binata na kaya hindi pa nagagawa ni Julia ni isa ang nasa bucket list ay dahil may mas dapat itong unahin sa buhay at higit sa lahat, ‘tila hindi naman din interesadong ibigay ang mga ito ng fiancé ng dalaga na si Von (Miko Raval).

Para matupad ang ilan sa mga ito, gumawa ng paraan si Spencer para na rin hindi sila ma-bore sa ilang oras nilang pagkaka-stranded sa building. Ang hindi lang nagawa ng binata ay ang sky-diving.

Happy go lucky si Spencer, pero may plano naman siya sa buhay, kaya siguro na-challenge si Julia sa kanya, bukod pa sa parating napapangiti nin Spencer ang dalaga, kumpara sa fiancé ng huli na seryoso sa buhay.

Mala-Serendipity ang kuwento ng Stranded, na binigyan ng Grade B ng Cinema Evaluation Board, kaya panoorin ang movie na showing na simula ngayong Miyerkules, mula sa Regal Entertainment, sa direksiyon ni Ice Adanan.

Kasama rin sa pelikula sina Gretchen Ho (unang pelikula niya), Mitch Ligayu, Miko Raval, Miggy Marty, Johnny Revilla, Mat Mendoza, at Pinky Amador.

-Reggee Bonoan