SA Japan magho-Holy Week ang magsing-irog na Luis Manzano at Jessy Mendiola, kasabay ng pagdalaw nila sa kapatid ng aktres na matagal nang based doon.

Jessy at Arjo copy

“Mga two weeks kami sa Japan,” sinabi ni Luis nang makatsikahan naming siya pagkatapos ng premiere night ng Stranded, na pelikula ni Jessy with Arjo Atayde.

“Basically iikutin na rin namin ang Japan. Puwede ring mag-extend nang konti, pero ‘pag nag-birthday ako, gusto ko nandito na kami sa Manila, para kasama rin ang family ko,” sabi pa ni Luis.

Tsika at Intriga

Solenn Heussaff, nagka-black eye dahil sa head butt ng anak

Plano ni Luis na magpa-block screening ng Stranded, kahit wala sila ni Jessy sa ‘Pinas.

“Kaya kong magpa-block screening para sa ibang kaibigan ko kahit wala kami. Hindi ko iniisip na tulong ito para sa box office kundi para mas maraming makapag-enjoy sa movie,” sambit ng binata.

Biniro namin si Luis na kaya siguro walang kissing scene sina Jessy at Arjo sa Stranded ay dahil pinagbawalan niya.

“Wala naman (pagbabawal)?” nakangiting sagot sa amin.

Anyway, kinilig si Luis na mapanood sa malaking telon ang kanyang girlfriend.

“Kapag nakapanood ka kasi ng isang movie tapos ‘yung on screen, ‘yung significant other mo, pero kinikilig ka pa rin, it means they’re doing something right sa formula, dahil hindi ko nakikita ‘yung significant other ko.

“Ang nakikita ko, ‘yung pino-portray nilang mga character especially ‘yung nagkita na ulit sina Julia (Jessy) at Spencer (Arjo). Kahit alam mong mangyayari, kinilig ka pa rin.

“Nakakatuwa and I’m very proud of them. And when I congratulate the whole team, I really, really meant it,” pahayag ng Minute to Win It host.

Speaking of Minute to Win It game show ni Luis, nakuwento niya sa amin na kaya hindi natuloy ang set visit sa show niya kamakailan ay dahil nagkasakit siya, na umabot pa sa pagkabinat.

Nangako naman siyang hahanapan ng schedule para ituloy na ito, at gusto niya ay malaki at maraming entertainment press ang bibisita sa set ng Minute to Win It.

-Reggee Bonoan