Naglabas na ng schedule ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2) para sa paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo.

SCHEDULE_ONLINE

Sa abiso ng LRT-1, normal ang kanilang operasyon simula Lunes Santo, Abril 15, hanggang Miyerkules Santo, Abril 17, ngunit wala silang operasyon simula Huwebes Santo, Abril 18, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 21.

Sa abiso naman ng LRT Authority (LRTA), suspendido rin ang operasyon ng LRT-2 simula sa Huwebes Santo hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Normal naman ang kanilang operasyon sa Lunes Santo hanggang Martes Santo, ngunit magpapatupad sila ng shortened operation sa Miyerkules Santo.

Ayon sa LRTA, ang huling biyahe ng tren mula Santolan, sa Pasig City sa nasabing araw ay hanggang 7:00 ng gabi, habang 7:30 ng gabi ang huling biyahe ng tren galing sa Claro M. Recto Avenue, sa Maynila.

Una nang nag-abiso ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) na simula sa Lunes Santo, Abril 15, hanggang Linggo ng Pagkabuhay ay suspendido ang kanilang operasyon.

Inaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng tatlong mass railway system sa Abril 22, Lunes.

-Mary Ann Santiago