UMABOT sa mahigit 1,500 retweets at mahigit 2,500 likes ang nasulat namin dito sa BALITA tungkol sa pelikulang pagsasamahan nina Aga Muhlach, Empoy Marquez, Daniel Padilla, at Piolo Pascual, na may titulong Post Angst, produced ng Spring Films at ididirek ni Marcus Adoro, dating lead guitarist ng Eraserheads.

Piolo copy

Halos iisa ang sinasabi ng mga nakabasa ng balita, excited at curious sila sa movie.

“Ay sana matuloy ‘to kasi kakaiba ang cast! Full support kami siyempre dito sa aming Hari na si Daniel Padilla at si Papa P at Empoy na labs din nila ang KathNiel!! Sooo excited at sa Amsterdam pa balik na naman si DJ sa gusto niyang place! Sana makapunta kmi nyan!!” komento ng netizen na si @Sam_030426.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

May nagsabi ring siguradong box office ang movie, dahil unang beses na magsasama-sama sa pelikula ang apat na sikat na aktor.May mga nag-message sa amin kung ano ang gist ng kuwento ng Post Angst at bakit sa Amsterdam ito kukunan.

Base sa pagkakaalam namin ay tungkol ito sa medical drug, pero hindi namin naitanong sa taga-Spring Films kung ano ang karakter na gagampanan nina PJ, DJ, Empoy at Aga.

Advocacy film kaya ito?

-REGGEE BONOAN