Bilang paghanga sa katapatan at pagpupursige ng mga sundalo, nais ni Pangulong Duterte na magtalaga ng mas maraming militar sa pamahalaan.

(kuha ni KJ ROSALES)

(kuha ni KJ ROSALES)

Inamin ng Pangulo na masaya siya sa mga sundalo dahil sa pagtatrabaho ng mga ito nang walang halong kurapsiyon, habang ikinadismaya niya ang mabagal na proseso ng sistema sa bansa.

"I have a special fondness for the military for being fundamentally honest at industrious," pahayag niya, sa kanyang pagbisita sa kampo ng militar sa Jolo, Sulu, nitong Martes.

Metro

Barangay tanod na nagseselos, 'sinamurai' ang canteen helper; patay!

"As you would see, ‘yung unang --- the next few officials coming in would be military guys. The very best and the very brightest of you na tumulong sa akin magpadala ng bayan natin," aniya.

Inamin naman ni Duterte, na nagtalaga ng ilang dating opisyal ng militar, na kinakailangan niya ang tulong ng mga ito upang epektibong patakbuhin ang bansa.

"Hindi ko man kaya kung ako lang mag-isa. There are so many things to do and I function through Cabinet members," aniya.

Aminado rin siya na karamihan ng kanyang mga gabinete ay "military guys." Ngunit itinanggi niya ang espekulasyon na nais lamang nitong mapalapit sa militar upang makuha ang suporta ng mga ito.

-Genalyn D. Kabiling