NANG maka-one-one-one tsikahan ni Yours Truly ang big boss ng Viva Films at Viva Records at Viva Talent Agency na si Boss Vic del Rosario ay natanong ko siya kung ano ba ang kanyang sikreto dahil hanggang ngayon ay matatag pa rin ang Viva Films na itinatag niya some years ago, gayong ang mga kasabayan niya gaya ng Tagalog Ilang Ilang Productions, Lea Productions, OctoArts Films ay ‘tila naglaho na sa ating showbiz world?

“Siyempre lagi akong naka-focus sa trabaho. Ginagaligan ko nang husto ang trabaho ko, konting suwerte, plus siyempre sa tulong ng mga manonood.

“Kaya tuluy-tuloy hanggang ngayon ang paggawa namin ng pelikula pati na rin ang aming recording company, pag-build up ng stars, lahat ‘yan, tuluy-tuloy lang,” paliwanag ng Viva Films Big Boss.

Minsan nasabi mo na in business, it’s always addition not subtraction, anong ibig mong sabihin du’n? Wala kang tinatanggal na talents mo sa Viva Artista Agency at sa Recording business?

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

“Eh, ang sa akin lang naman, habang maaari huwag magtanggal ng talents, may mga umaalis din sa poder namin pero mas marami naman ang nagtatagal.

“Hanap kami ng hanap ng mga bagong artista or talents para makapag-build up ng mga stars at singers. Dapat ganu’n lagi sa business nating ito, ang show business. ‘Pag may nawala, magdagdag pa more lalo pa nga’t may kasabihang stars come and go.

‘Yung mga lumalapit sa akin dito sa Viva office, hinaharap ko at kapag alam kong may ibubuga naman, kinukuha ko as our contract stars,” paglilinaw ni Boss Vic.

And if I may add, very accommodating at very approachable kasi si Boss Vic del Rosario. Kumbaga, may kababaang loob siay sa lahat ng pumupunta sa kanya upang magpatulong at ganu’n din ang kanyang mga anak na sina Boss Veronique del Rosario Corpus, Boss Vincent del Rosario, at Boss Valerie del Rosario, gayundin ang kanyang apo na si Verb na in-charge naman sa recording business nila.

So shall we say, long live Viva Films, Viva Records and Viva Talents Agency!

-MERCY LEJARDE