Pinatawan ng Sandiganbayan ng 90-day preventive suspension si Dumanjug, Cebu Mayor Efren Guntrano Zozobrado Gica dahil sa umano’y pagkakasangkot sa maanomalyang gastos nito sa isang pagpupulong noong 2014.

SUSPENSION

Sa inilabas na ruling ng anti-graft court, nabigo si Gica na magsumite ng paliwanag upang hindi sana ito patawan ng suspensyon sa kinakaharap na kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), Falsification of Public Documents at Malversation of Public Funds.

Bago binigyan ng 10 araw si Gica upang makapagharap sana ng panig, isinailalim muna ito sa arraignment proceedings kung saan nag-plead ito ng not guilty, nitong nakaraang Enero 23.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

"Consistent with the rule that preventive suspension may not exceed 90 days pursuant to Presidential Decree No. 807 (the Civil Service Decree), now Section 52 of the Administrative Code of 1987, the Court holds that the suspension pedente lite on Gica for a period of 90 days is proper," ang bahagi ng ruling.

Kaugnay nito, inatasan naman ng korte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang suspensyon.

-Czarina Nicole Ong Ki