DAVAO CITY – Nasa kabuuang P250 milyong halaga ng exotic animals ang nasamsam ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) 11, Department of Environment and Natural Resources (DENR) 11, Mati City Police Station at 28th Infantry Battalion, nitong Lunes ng hapon.

EXOTIC_ONLINE

Kinilala ang mga suspek na sina Jomar L. Toledo, 34; at Rompas M. Lumakore, 25, kapwa ng Barangay Calumpang, General Santos City.

Sina Toledo at Lumakore, na kapwa umano caretaker ng mga hayop, ay inaresto sa buy-bust operation ng NBI sa Barangay Dahican, City of Mati, Davao Oriental nitong Abril 8, sa ganap na 4:00 ng hapon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sa Facebook page nito, sinabi ng DENR Davao na ang mga hayop, na karamihan ay Indonesian birds, ay pinaniniwalaang mula sa Papua New Guinea.

"Accordingly, the apprehended wildlife species were already at the area for about a week and that the caretakers were being paid to feed them," ayon sa DENR Davao.

Sinabi nito na nasa 345 uri ng ibon at reptiles ang tinukoy at binilang ng grupo mula sa Biodiversity Management Bureau (BMB), DENR Regional Office at DENR Provincial Offices sa Mati.

"Some of the identified species were Black Palm Cockatoos, wallabies and Echidna," saad sa ulat.

Ang mga inaresto ay nasa kustodiya ng Mati City Police Station, at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

-Armando Fenequito, Jr.