Winasak ang mga kontrabando, kabilang ang mga cell phone, tobacco bricks at sigarilyo, na nasamsam mula sa mga bilanggo ng Manila City Jail, sa prison grounds sa Sta. Cruz, ngayong Martes.

(kuha ni Czar Dancel)

(kuha ni Czar Dancel)

Gamit ang road roller, mga pa at baseball bat, dinurog ang 303 mobile phones; 47 touch screen at apat na smart watches, 489 bloke ng tobacco, 6511 sticks ng tobacco, at 5920 sticks ng sigarilyo.

Ang mga ito ay nasamsam sa Oplan Linis Piitan ng Manila City Jail.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology-National Capital Region (BJMP-NCR) director Brig. Gen. Ignacio Panti, karamihan sa mga nakumpiska ay mula sa mga dalaw.

"We were able to intercept them through our intelligence," aniya.

Ipinagdiinan ng opisyal ang pangangailangan ng x-ray scanners, upang matiyak na wala nang kontrabando na muling makalulusot.

"Interior and Local Government Sec. Eduardo Ano already has a program for us to procure x-ray scanners, which will be very helpful so we can avoid getting complaints of human rights violation when our people try to frisk and search further," pahayag ni Panti.

-Ria Fernandez at Mary Ann Santiago