"Hay*p ka, pinainom na kita at pinakain ganyan pa ang gagawin mo. T****** mo!"

RAPE_ONLINE

Ito ang namutawi sa labi ng isang construction worker nang halayin umano ng kanyang kainuman ang kanyang anak-anakan sa Valenzuela City, nitong Martes ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Ronel Bolano, 29, nakatira sa Block 12, Lot 6, Northville 1-B, Barangay Punturin sa nasabing lungsod.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nagtungo ang ama ng biktima, 12, sa Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Valenzuela City Police upang magsampa ng kaso laban sa suspek.

Sa salaysay ng biktima, kainuman ni Bolano ang kanyang amain sa loob ng kanilang bahay, dakong 9:00 ng gabi.

"Pumasok na po ako sa kuwarto at natulog kasi hatinggabi na, hindi pa sila tapos mag-inuman," ayon sa biktima.

Pagsapit ng 1:20 ng madaling araw, nagising ang biktima dahil sa pang-aabuso ng suspek.

Tumalon mula sa bintana ang biktima at ginising ang amain, at humingi ng tulong sa Police Community Precinct (PCP) 7, at naaresto si Bolano.

Nahaharap ang suspek sa mga kasong Rape in Relation to Violation of RA 7610 (child abuse law).

-Orly L. Barcala