HINDI lang basta tinapos ni Yasmien Kurdi ang kursong AB Political Science sa Arellano University, kasabay ng pag-aartista niya—nagtapos din siyang Magna Cum Laude.
Tinanggap ni Yasmien ang nasabing karangalan last Saturday sa graduation ceremonies sa Philippine International Convention Center (PICC).
“Finally I am beyond grateful and humbled. All the hard work for many years in college paid off.
“To all the working students, never stop reaching for your goals and dreams in life! Do your best all the time. Life is hard but you have to keep pushing forward. Feed your mind with positivity like ideas of success, not failure. Let life be a learning experience and always believe in yourself!
“Thank you Arellano University. To God be the Glory! #ArellanoUniversity #HailToTh e C h i e f s #ProudArellanite.”
A n g d a m i n g bumati kay Yasmien, kabilang na ang mga kapwa art ista, na pawang humanga sa determinasyon niyang magtapos ng college, kahit busy sa pagiging mommy to Ayesha, wife to husband Rey Soldevilla, at sa pagiging mahusay na aktres.
Matagal nang dream ni Yasmien ang makatapos ng college. Ang tanong ngayon, itutuloy ba niya sa pag-aabogado ang tinapos niya.
Nang huli naming makausap si Yasmien sa presscon ng morning teleserye niyang Hiram Na Anak, sinabi niyang sa ngayon ay wala pa siyang balak na ituloy ito sa Law.
“Dream ko po na makatulong sa ating mga overseas Filipino workers dahil ganoon ang nanay ko, pero puwede rin na tulungan ko sila sa ibang paraan,” sabi ni Yasmien. “Pinag-iisipan ko pa po muna, kasi gusto ko munang magkaroon ng kapatid si Ayesha.”
Tamang-tama naman na ang Hiram Na Anak ay tungkol sa pagiging i s a n g i n a n i y a , pero maraming kumplikasyon, lalo na at hindi nga niya tunay na anak ang bata.
Napapanood ang Hiram Na Anak sa GMA-7, bago mag-Eat Bulaga.
-NORA V. CALDERON