Pinabulaanan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga online post ng kontrobersiyal na negosyante na si businessman Xian Gaza na idinetalye kung paano umano niya natakasan ang immigration inspection sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang makalipad paalis ng bansa nitong nakaraang taon.Larawan mula sa Facebook account ni Xian Gaza

Larawan mula sa Facebook account ni Xian Gaza

Sa serye ng mga larawan na ibinahagi niya sa facebook, ikinuwento ni Gaza kung paano siya matagumpay na nakalabas ng Pilipinas noong Setyembre sa kabila ng pagkakaroon ng “three arrest warrants and after being sentenced to five years in prison.”

"He was allowed to leave the country because he had no derogatory records when he left," pahayag ni BI spokesperson Dana Sandoval.

Matatandaang naging laman ng mga balita ang negosyanyte noong 2017 nang alukin nito ang aktres na si Erich Gonzales para sa isang “coffee date” sa pamamagitan ng billboard advertisements sa ilang bahagi ng Metro Manila. Tinanggihan ng aktres ang alok.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nasasangkot si Gaza sa alegasyon ng multi-million-peso investment scam.

Samantala, umabot na sa higit 8,000 komento at higit 22,000 shares ang Facebook post nito.

Ayon kay Sandoval, imposibleng makalabas ng bansa sa pamamagitan ng airport o seaport ang isang indibiduwal na kabilang sa derogatory database ng BI.

Kapag ang isang tao, aniya, ay nasa hold departure order (HDO), o warrant of arrest watch list awtomatikong haharangin ito sa pag-alis ng bansa.

Nilinaw din ng opisyal na walang naging pag-uusap sa pagitan ni Gaza at ng isang immigration officer, tulad ng ikinuwento ng negosyante na umano’y "preposterous, similar to other claims he made in the past."

“Since he had no derogatory record when he left, he was cleared for departure. It was quite uneventful and ordinary. No Hollywood-level storyline, just regular immigration clearance,” ani Sandoval.

Pinag-aaralan na rin, aniya, ng ahensya ang posibleng legal na aksiyon laban kay Gaza, kasabay ng pagsasabing “[the viral post is a] cause for concern and stunts like this using the bureau to gain fame is a security risk, making a mockery of our airport procedures.”

Jun Ramirez