MAY pagkakataon ang mga chess aficionados na makasalimuha ang world’s multi-awarded chess player na Eugene Torre sa gaganaping Open Kitchen chess tournament sa Abril 13 sa Open Kitchen 34- 36 P. Tuazon Boulevard, Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon City .

Tinaguriang Asia’s First Grandmaste r , inaasahang magbibigay ng kasiyahan at inspirasyon sa mga kalahok ang presensiya ni Torre – pangunahing chess ambassador sa bansa.

Ayon kay tournament organizer J e f f Dimalanta, bibigyan nila ng pagkakataon angmga batang players na makahalubilo at makakuha ng ‘selfie’ at authograph mula kay Torre.

“But we are planning t o o r g a n i z e more c h e s s tourname n t s , ” ayon kay Dimalanta.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Magbibigay ng kanyang inspiration message si Torre, gayundin ang iba pang panauhin na sina Barangay Kaunlaran chairman Christopher “Dong” Cheng, International billiards/ snooker champion Marlon Manalo ng Patrol Party list at China Aurelio ng Open Kitchen.

Si dating Istanbul World Chess Olympiad member International Master (IM) Ronald Bancod ang rerenda sa mga malakas na kalahok sa inaugural Open Kitchen chess tournament

Kasali rin sa nasabing event ay sina eight-time Illinois USA champion International Master (IM) Angelo Young, Fide Master Christopher Castellano, Woman Fide Master Allaney Jia Doroy at United States chess master Jose “Jojo” Aquino Jr.

Ang lokal na pambato naman ay sina National Master Romeo Alcodia at youthful Jerome Alcodia, kasama sina seven-time Philippine Executive grand prix champion Dr. Jenny Mayor, 2018 Singapore co-champion Jasper Faeldonia, 2017 Kuantan, Pahang, Malaysian ASEAN age-group multiple gold medal winner Asean Master Al Basher “Basty” Buto, Jason Rojo at journeyman Genghis Katipunan Imperial.