Limang katao ang nasugatan makaraang araruhin ng isang SUV na nawalan ng preno ang tatlong motorsiklo at isang tindahan sa Barangay Rizal, Liliw, Laguna.

ACCIDENT

Isinugod sa Nagcarlan Hospital sina Zymour Perez, 14, estudyante, ng Bgy. Ibabang San Roque; Sharon Perez, 38, biyuda, ng nasabing lugar; Jasmine Orbeta, 17, estudyante, ng Bgy. Maslun; Kim Grace Manzanero, 24, dalaga, ng Bgy. Bagong-Anyo; at Roland Borgonia, 49, ng Bgy. Kanluran Bukal, ng nasabing bayan.

Sa police report, patungong Liliw Municipal Hall ang SUV (TOI-775) na minamaneho ni Ernesto Agapay, 59, may asawa, retiradong overseas Filipino worker, taga-Bgy. Pook, Rizal, ng nasabing lalawigan, habang binabagtas ang national highway nang mawalan umano ito ng preno, dakong 7:30 ng gabi nitong Linggo.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Ayon sa imbestigador, hindi na nakontrol ni Agapay ang sasakyan hanggang sa araruhin ang tatlong motorsiklo.

Nabangga rin ng sasakyan ang limang naglalakad bago sumalpok sa tindahan ng litson.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Agapay habang inihahanda ang kaso laban dito.

-Danny Estacio