DALANG-dala ang viewers sa pagganap ni Bianca Umali sa Sahaya. Sa katunayan, bumuhos ang suporta at concern ng Kapuso viewers at netizens sa karakter ng aktres dahil hindi ito sumuko at ipinaglaban ang karapatan na hiranging class valedictorian.

Bianca Umali copy

Tagos sa puso ang pagganap ni Bianca kaya naman nakuha ni Sahaya ang simpatya ng manonood na humanga sa kanyang lakas ng loob, paninindigan at pagsusumikap na magtagumpay sa kabila ng lahat ng bumabatikos at humuhusga sa kanyang pagkatao bilang isang Badjao.

Trending ang nasabing episode, at may isang netizen pa nga na aktuwal na humingi ng tulong sa Department of Education (DepEd) para kay Sahaya. Talagang apektado ang nasabing netizen sa pinagdaraanan ni Sahaya, at hindi ito papayag na madaya ang huli sa graduation nito.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Ang ginawa ng netizen ay umani ng libu-libong likes at shares sa Facebook. Bukod dito, pinuri rin ng manonood ang Sahaya dahil sa aral at inspirasyon na dulot nito sa kabataan. Saludo rin sila sa pagganap ng lahat sa programa.

Komento ni @tonee171: “#SahayaSpeech has never failed to remind me not only the value of recognizing who you are but the unconditional love of family.”

Sabi naman ni @lian_pascual: “Sahaya is more than a teleserye! It tackles important current issues. That’s why malapit sa puso itong show na ito! Ang galing ng mga main at supporting cast members and of course, the writers and to all the people behind this show.”

Binati naman ni @andreaprettymeh ang husay ni Bianca sa serye: “Sahaya truly motivates people to do their best in everything. It tells reality and it is indeed an eye opener to all the people that whatever our status in life we are all the same and we are all equal. Do your best always, Sahaya! Nakakaproud si @bianx_umali.”

-MERCY LEJARDE