NAPANATILI ni WBO No. 1 minimumweight Robert Paradero ang kanyang perpektong rekord nang umiskor ng 1st round TKO laban kay WBC Asian Boxing Council Silver light flyweight champion Jonathan Almacen nitong Abril 5 sa Barangay 9, Malaybalay, Bukidnon.
Bukod sa napaganda ang kanyang rekord sa perpektong 18 panalo, 12 sa pamamagitan ng knockouts, umaasa si Paradero na papasok sa WBC rankings.
Sa undercard ng sagupaan,tinalo ni one-time wold title challenger Jerrry Tomogdan si dating world rated Dexter Alimento via 8th round TKO.
Napaganda ni Tomogdan ang kanyang kartada sa 27-10-4 na may 15 pagwawagi sa knockouts at umaasang muling magbabalik sa world rankings.
-Gilbert Espeña