TARGET ni Filipino banger Aston Palicte na makawit ang world title sa pagsabak sa Japan sa Hunyo 19.

Ipinahayag ng kampo ni Palicte na naisaayos na ang laban kontra Kazuto Ioka para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) super-flyweight title.

Ayon kay Jason Soong, chief handler ni Palicte, wala pang opisyal na venue para sa laban, ngunit may hiling na ganapin ito sa Osaka at Chiba na balwarte ng Japanese star.

I t o a n g i k a l a w a n g pagkakataon ni Palicte (25-2-1, 21 KOs) sa world title matapos makatabla kay Donnie Nietes nitong September sa US.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Puntirya naman ni Ioka (23-2, 13 KOs) ang ikaapat na world crown kontra Palicte, na magtatangkang maging ikalimang Pinoy na world champion kasama nina Manny Pacquiao, Jerwin Ancajas, N o n i t o D o n a i r e a t V i c Saludar.

Kinakatawan si Palicte sa US ng kampo ni Roy Jones, na malaking pakner ng HBO.

-Nick Giongco