Magpapatupad ng dagdag-singil sa presyo ng petrolyo ang ilang kumpanya ng langis bukas.

INCREASE download (17)

Sa pahayag ng Shell, aabot sa 25 sentimos ang dagdag na singil sa presyo ng kada litro ng gasolina, 20 sentimos naman sa diesel at 10 sentimos sa kerosene.

Epektibo ito bukas (Abril 9), dakong 6:00 ng umaga.

Metro

Ama ng estudyanteng tumalon sa LRT, 'di magsasampa ng kaso sa driver

Agad naman itong sinundan ng Seaoil na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa petrolyo.

Sa kahalintulad na taas-presyo naman sa gasolina at diesel ang ikinasa ng Petro Gazz at PTT Philippines bukas.

Asahan na ang pagsunod ng iba pang kumpanya ng langis sa nasabing oil hike kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.

Isinisi ang price adjustment sa paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

-Bella Gamotea