Ipinagharap ng isang kilalang abogado ng kasong perjury ang reelectionist na si Senator Aquilino ‘Koko’ Pimentel III sa Manila Prosecutor’s Office, kahapon ng umaga.

KOKO download (17)

Ang kaso ay isinampa ni Atty. Ferdinand Topacio kaugnay sa naibasurang kasong electoral sabotage na naunang isinampa ni Pimentel kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, iba pang opisyal ng gobyerno at dating First Gentleman Mike Arroyo noong Oktubre, 2011.

Sa kanyang 18-pahinang complaint affidavit, inakusahan ni Topacio si Pimentel na nagsinungaling sa kanyang alegasyon.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Paliwanag nito, inakusahan ni Pimentel ang mag-asawang Arroyo at iba pang opisyal ng Arroyo administration, na nagsabwatan para isabotahe ang halalan noong 2010.

Gayunman, hindi naman aniya ito napatunayan hanggang sa ma-dismiss din ito ng Pasay City Regional Trial Court.

Itinanggi naman ng abogado na isang election harassment ang ginawa niyang pagsasampa ng kaso laban sa senatoriable.

Hindi naman kaagad naisampa ng abogado ang kaso dahil nahirapan aniya siyang kumalap ng mga kakailanganin na dokumento para dito.

-Mary Ann Santiago