HINDI tinanggap ng ilang followers ni Kris Aquino ang apela niyang huwag idamay si Kitty Duterte, anak nina President Rodrigo Duterte at Honeylet Avanceña sa usaping pulitika, dahil walang kinalaman ang bata.

Kris at Kitty

Ipinost ni Kris sa Instagram ang nasabing panawagan niya, dahilan para i-call out ang kanyang attention: “This is an opinion coming from someone who has the RIGHT to give one, because she once lived the life of Kitty Duterte, except she only had her mom.

“1986-1922, I was 14 when people voted, 21 when my mom stepped down. I saw the part 2 of the video & I am a ‘dilawan’ by virtue of birth, who is choosing to make a stand for the youngest Duterte offspring.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“LEAVE KITTY ALONE. She isn’t an adult. She will only be turning 15 this April (relied on Google, so hopefully accurate)... connecting the money trail to Ms. Honeylet, using ‘Veronica Salvador’ was too WEIRD, primarily because WALANG NANAY na gagamitin ang pangalan ng kanyang nag-iisang anak para malagay ang bata sa kapahamakan.

“Nagsalita ako kasi kung may ipinaglalaban, hindi tama na gamitin ang bata to prove a point. We adults have enough sins, let’s spare the kids. Kasi too many times ko nang naranasan ma-bully ang mga anak ko, eh kung bunso na nga ni President Duterte puwedeng magamit sa video, paano pa ‘yung mga ibang bata?

“God bless us with more wisdom to know better & do better for our children.”

Ang linaw ng post ni Kris, wala siyang binanggit na pangalan ng kandidato at hindi rin siya nangampanya, kaya naman sinagot niya ang isang nagkomento na na-disappoint daw ito kay Kris. Pinayuhan din si Kris ng netizens na hayaang si Honeylet ang magsalita at ipagtanggol si Kitty.

Sumagot si Kris na wala siyang ikinampanya at nagpahayag lang siya ng kanyang opinyon. Pero para matigil na ang issue, dinelete na lang ni Kris ang nasabing post niya tungkol kay Kitty.

Samantala, aliw ang isa pang post ni Kris: “But we could use a friend who will always check the phone and take the call.” Nag-comment kasi si Atty. Gideon Peña, employee sa kanyang KCAP at matagal nang inili-link sa kanya ng kanyang followers.

Sabi kasi ni Atty. Gideon: “Thank you for always listening... even to words unspoken, and for being an understanding friend despite so many differences.”

Sagot ni Kris: “@the.mightywarrior yes even if sinusungitan mo ko ‘pag irita ka na sa tagal kong mamili ng pens & notebooks & journals. And super annoyed ka that you had to carry them.

“You came at a point when I needed trustworthy & intelligent friend. So for all those ‘shippers’—we’ll never get along beyond friends who eat out, go to church, and watch movies—kkasi he likes nature not malls, and masungit sya ‘pag shopping na.”

Kaso, ayaw papigil ng shippers nila Kris at Atty. Gideon; umaasa pa rin silang in the end, maging sila pa rin. Hindi na nag-react sina Kris at Atty. Gideon sa matitigas ang ulo na shippers nila.

Anyway, nasa Japan pa rin sina Kris, Bimby, Joshua at mga kasama nila. Tuloy ang pagre-relax at pagpapalakas ni Kris para sa susunod niyang medical evaluation.

-NITZ MIRALLES