FINALLY, tuloy na ang gagawing pelikula ni Aga Muhlach sa Spring Films kasama sina Piolo Pascual, Empoy Marquez at Daniel Padilla.

Piolo, Empoy, Aga at Daniel

Tanda namin noong launching ng bagong Jollibee TVC ni Aga kasama ang pamilyang sina Charlene, Atasha at Andres Muhlach ay nabanggit niyang proyekto sa Spring Films pero hindi pa sarado ng usapan tungkol doon.

Kung hindi kami nagkakamali ay isang taon na ang nakararaan at naging busy na si Aga dahil may mga out of the country shoot siya kasama naman si Alice Dixson, produced ng Star Cinema na may titulong Nuuk na kinunan sa Greenland ni Direk Veronica Velasco.

Tsika at Intriga

Andi Eigenmann, pinabayaan na raw ba talaga sarili niya?

Inuna rin niyang gawin ang First Love nila ni Bea Alonzo sa Canada mula ulit sa Star Cinema at Ten17 Productions na idinirek ni Paul Soriano.

At ngayon ay inupuan na ni Aga ang offer ng Spring Films na may titulong Post Angst na ang principal photography ay sa Amsterdam mula sa direksyon ni Marcus Adoro.

Ang mahal ng pelikulang Post Angst, huh. Ang mahal ng talent fee ni Daniel kapag outside Star Cinema at si Aga rin. I’m sure wave na ang tf ni Piolo dahil isa siya sa producer. Si Empoy lang ang medyo mababa kumpara sa mga nabanggit.

Kung walang pagbabago ay sa katapusan ng Mayo o unang linggo ng Hunyo ang shooting ng Post Angst sa Amsterdam, Netherland.

-Reggee Bonoan