Sinuspinde na ng Quiapo Church ang lay minister na umano’y seksuwal na nang-abuso sa isang menor de edad.

MINISTER

“Even if he is not reporting, he is suspended as lay minister,” sinabi ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, sa isang panayam.

Sinabi ni Badong na hanggang ngayon ay hindi pa lumilitaw ang lay minister, pero mahalaga rin, aniya, na mapakinggan nila ang panig nito.

Metro

Maynila, may pa-'LapLuvan' sa Peb. 13

“We are still waiting for his explanations. We also need to hear his side,” ani Badong. “He should face this and prove his innocence.”

Tiniyak din ni Badong na magkakaloob ng tulong ang Quiapo Church sa batang biktima.

“What is needed now is to help the child,” ani Badong. “We will help in anyway we can. Spiritually, psychologically even financial.”

Napaulat na tinutugis na ngayon ng mga awtoridad ang 69-anyos na lay minister na nakuhanan umano ng video ang pagmomolestiya sa bata.

-Leslie Ann G. Aquino