Tinatayang aabot sa 200 pamilya ang nawalan ng bahay sa mahigit limang oras na sunog sa Sitio Ibaba, Barangay Sta. Clara, Batangas City, nitong Sabado ng hapon.

SUNOG download (17)

Sa paunang ulat ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), sumiklab ang sunog sa isa sa mga bahay at agad na kumalat sa mga katabi nito na gawa sa light materials.

Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na nagsimula, dakong 5:52 ng hapon.

Metro

Maynila, may pa-'LapLuvan' sa Peb. 13

Idineklarang under control na ang sunog, dakong 11:00 ng gabi.

Kinumpirma naman ni Fire Incident Commander, Chief Insp. Elaine Evangelista, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Batangas City, na walang nasawi o nasaktan sa insidente.

Hindi pa madetermina ng mga awtoridad ang halaga ng naabo sa insidente.

-Lyka Manalo